photo: courtesy of Direk Dennis
Lately their are group of celebrity who visited Cagayan de Oro to give helped to the victims of Typhoon Sendong namely Kris Aquino, Vice Ganda, Anne Curtis and Angel Locsin. They said we will be there in Cagayan de Oro to give some donations and to help. But I think some of these celebrities don't know what is the meaning of volunteers, WHY...?? just read below.
This is a true story by one volunteer in cdo. this is the height of inefficiency just to satisfy KRIS AQUINO:
:Dec. 19 @2pm. Ang aking anak at ibang pang mga “abs-cbn volunteers” ay ay sama-samang nagreport sa kanilang tungkulin bilang boluntaryo, nang mapuno na ang trak na may naka... kabit na malaking streamer na nakasaad na ABS-CBN relief op. na pagdadalhan ng mga “Relief goods” para maipamahagi, ang grupo nila ay inatasan na pumunta sa Balulang Evacuation Center. Habang nasa daan sila papuntang Balulang, ay isang tawag mula sa himpilan ng mga donasyon ng abs-cbn ang kanilang natanggap at ito ay ay ipag-utos sa kanila na ihinto pansamantala ang pagtungo nila sa Balulang at hintayin nila Si Kris Aquino at mga kasamahan nito.
Naghintay naman ang grupo at siyempre pati na ang trak na may laman ng mga relief goods, alas 6 ng gabi ng makatanggap ulit sila ng tawag mula sa himpilan ng mga ipapamahaging tulong ng abs cbn upang abisohan sila na hindi na sa Balulang ang punta nila kundi sa Brgy. Consolacion na dahil si Kris Aquino at mga kasamahan ay nasa Brgy. Consolacion pala. Isipin mo, tatlong oras naghintay ang mga boluntaryo upang ito ay pasabihan ulit na sa Consolacion na ang deriksyon nila. Sa puntong ito ay di napigilan ng ibang boluntaryo na punahin ang pamamaraan ng pamamahagi ng relief goods, at ang anak ko din a napigilan ang sabihin ng malakas na “Kay Kris ba itong mga relief goods?! Bakit wala tayong mapagpipiliin kundi sundin ang utos nila?!, ano akala nila sa mga boluntaryo? Mga robot na bahala na kung maabutan ng hating gabi sa daan sa kahihintay ng kanilang pabago bagong utos”. Ok lang din a kailangan ng robot ang pagkain para mapanatili ang lakas nito para sa isasagawang trabaho.” muli, ang grupo kumilos na naman sa papuntang Consolacion. Sobrang bigat ng trapiko, kaya mahina at patigil tigil din ang takbo ng trak bago makarating sa Consolacion. Di mawari ang mga pagmumukha ng mga tao sa Brgy.
Consolacion sa sobrang gutom na nararamdaman ng mga ito at halos hablotin na nila ang mga sako-sakong relief goods na nasa trak, gusto nang ipamahagi ng mga boluntaryo sa mga ang mga relief goods pero di nila magawa dahil wala pang bigay na utos mula sa himpilan na ipamigay na ang mga relief goods.. Sa awa nila sa mga tao, pilit nilang ipina-unawa sa mga tao duon na naghihintay pa sila ng kautosan mula sa nakakataas sa kanila. Dahil sa halong gutom at pagkadismaya, ang ibang tao ay nagsimula ng sumigaw sa kanila na “ano ba yan pare?!! Pangpaakit lang ba yang dala dala ninyo tulong?!”gutom na daw sila talaga, reklamo ng mga tao duon. Sa isip-isip ng mga boluntaryo, sino ba ang hindi nagugutom sa pangyayaring ito? Dahil sa naiipong galit ng mga tao, takot na takot na ang ga boluntaryo na baka lusobin ang trak at paghahablotin na lang mga sako-sakong relief goods. Sa puntong ito, saka lang nila naiisip na hindi pala sila pinasahan ng “security escort” ni pulis or sundalo man lang. Maya-maya pa, may dumating na mga vans na naka convoy.
Si Kris at mga kasamahan nito pala ang dadaan, kasali na ang mga PSG na nagsisigaw ng “tabi kayo!..saan ba mga pulis ditto?!”, laking gulat ng grupo ng mga boluntaryo ng maintindihan nilang papaalis na pala si Kris at mga kasamahan nito, bakit pa sila pinapunta duon? Ilang minuto pa, isang tawag na naman mula sa himpilan ng reliefs goods operation ng abs cbn na nag-uutos sa kanila na iwanan na nila ang Consolacion at tutungo na naman sila ng Balulang, muli!. Diyos Mio!. Ang relief goods pala ang pinang-aakit lang pala talaga. Nang makarating ng Balulang bandang alas 9 na ng gabi, sinundan-sundan talaga ng mga likas ng mga tao ang trak na puno ng relief goods, at muli, wala pa ring utos na ipamahagi na ang mga ito o ipababa man lang sa trak ang sako-sakong relief goods sa “evacuation center.” Kinapa-kapa na naman ng mga nag silikas ng tao ang sako-sako tulong na nasa trak, nagsusumigaw na ang iba na ipamigay na nila ang mga ito, dahil nakita naman daw nila ang malaking streamer sa trak na naka sulat duon na “ABS-CBN Relief Operation”. Dahil di pinansin nag sisigaw na ang mga tao, “ASAN ang inyong president!!”aming binay, galing na dito…
Muli! Nakatanggap na naman sila ng tawag mula sa himpilan ng relief operation ng abs cbn na bumalik ulit sila sa himpilan(base)..sobrang awa talaga ang ang naramdaman nila para sa mga biktima ng trahedya, may dala dala pa ang mga itong trauma mula sa pangyayaring trahedya tapos di pa pinansin ang kanilang pagsusumayo na na ibigay na sa kanila ang relief goods. Walang magawa ang grupo ng mga boluntaryo kunbdi sundin ang utos ng himpilan na bumalik na sila sa pinanggalingan ng relief goods, pero dahil di nila matiis ang kaawa-awang mga tao, pa sekreto silang nag bukas ng sako ng relief goods at pasekreto rin silang namigay sa mga nadadaanan nila pero pinagbilinan nila itong huwag mga ingay sa iba “psstt huwag na ipagsabi sa iba”(psst ayaw saba sa uban”), dahil takot din sila na lusobin sila ng mga tao, at kaya silang mahabol dahil sa bagal ng takbo ng trak dulot ng trapiko.
Ganito ang naging nakahila-hilakbot na karanasan ng mga boluntaryo sa mga naging pagsasagawa ng network ng abs cbn relief operations, dahil kitang kita talaga ng kanilang mga mata ang mga kaaw-awng kalagayan nga mga biktima sa mga lugar na napuntahan nila at tapos ang nagawa nila ay para laman silang nag-iikot at palundag-lumdag sa mga evacuation center’s. Kaya, napag isip-isip ko na pahihintuin ko na sa pagiging boluntaryo sa network ang anak ko at patulungin na lang sa pamamagitan ng mga NGO, paaralan at simbahan.
4 comments:
I read this from an FB post yesterday, very disappointing and heartbreaking. With all the feedback and stories I've heard and read on the web, I'm quite certain that this is not an isolated issue, let's not single them out. I am not a fan of the celebrities mentioned above, no. However, I feel that it should be the organizers or whoever was/were giving orders who should be accountable for such actions. Kung sino-sino man ang mga iyon - celebrity, network people or politician.
Moving on, we should learn from this experience and find a way to avoid anything like this to happen in the future. Starting from myself.
And you as the blogger or the person who wrote this has already started making a difference - by creating awareness.
Thank you.
HELP CDO/ILIGAN
reading this I was very happy to have donated via U Cebu team...buti na lng di ako nag punta sa ABS-CBN booth
Let us all be open-minded. Let us not just focus on one side. We might not know, the one who's posting this is against any politician or the network itself.
my son was with the group( volunteers)and really got first hand account of what happened. Yes its very frustrating that a lot of people take advantage of this tragedy for their own gain. ABS-CBN relief management should also be held responsible for this incident. What was posted is true to every detail.
Post a Comment